"Love isn’t him calming you down when you yell. It’s him yelling, just as loud, just as hard, right back at you, right in your face to wake you up and keep you grounded. It isn’t him bringing you roses everyday or cute things that make your relationship appear more presentable. It’s after a long fight, that drains the life and bones out of both of you, and yet him showing up at your door the next morning anyway. It’s not him saying all the right things or knowing exactly how to handle you. It’s not him caressing your hair and telling you everything is going to be alright. It’s him standing there, admitting he’s just as scared as you are. You have to remember that with love, you’re not the only one involved. You’ve unknowingly put your life, your heart into the palms of another person’s hands and said, “Here. Do what you will. Mash it into mince meat, or forget I ever handed it to you."
-(via thelovewhisperer)That awkward moment when you say something and everyone ignores you, then someone else says the same thing and they all pay attention.
(Source: vampmick)
Nagsimula ang love affair ko sa mga libro noong 5 years old ako. Tandang tanda ko noon na mayroon akong picture book ng Bambi at Alladin na binili sa akin ni Daddy. Pero dahil sa bata, kinulayan ko ang mga mukha at buhok nila kaya mukha na silang K-Pop ngayon. Nawala na rin sila, malamang naiwan na sa dati naming bahay. Tapos meron ding mga libro sa dating bahay ng lola ko. Meron silang bookshelf na maraming maraming libro. Kulay brown at makakapal. Encyclopedia. Yun talaga ang mga sinimulan kong basahin kasabay ng collection nila ng mga Dr. Seuss. Marunong na akong magbasa 3 years old pa lang ako kakabasa ng mga sign sa kalsada, hindi pa nga lang ako marunong magsulat. Nabasa ko lahat ng Dr. Seuss nila at na-browse ang mga encyclopedia. Inuwi ko pa nga yung lumang story book nila na hard-bound at puro fairy tales kahit may isang pahinang punit dun.
Nakita ng mga magulang ko na mahilig ako sa libro, kahit uso na internet noon, sa encyclopedia pa rin ako tumatakbo. At tambay ako sa library. Paborito kong subject ang English dahil may SRA kami tuwing Friday. Masaya rin ako noon pag library day at nakatatlong library card ako nung grade 3.
Hanggang sa niregaluhan ako ng Tita ko ng Harry Potter. Book 2. Chamber of Secrets. Natapos kong basahin maghapon. Tapos binilan ako ni Daddy ng Harry Potter 4 and 5. Tuwang-tuwa ako kasi ang ganda ganda nila. Hard-bound. Ang ganda. At ang bango. Yung 5, gula-gulanit na ngayon, kakahiram. Yung 4 naman ninakaw nung kaklase kong bakla nung highschool, ayaw nyang umaming ninakaw niya. Ganun katigas mukha nun.
Yung 6, niregalo sakin ni Daddy nung Valentine’s. Paperback lang kasi walang hardbound sa Pinas. Yung 7, hardbound ulit. Sobrang ganda saka sobrang tuwa ko nun, kasi ang kapal, matagal-tagal kong babasahin. Natapos ko yung HP7 ng 2 weeks.
Naadik rin ako kay Bob Ong noon. Lahat ng Bob Ong nabasa ko na. Simula sa Abnkkbsnplako hanggang sa Lumayo ka nga sa akin. Pinakagusto ko yung Stainless Longganisa kasi yun talaga ang nakainspire sakin na magsulat… at mangarap na maging isang manunulat.
Tapos nung college, marami pa kong nabasang libro pero yung Scarlet Letter na natanggap ko sa exchange gift, hindi ko pa rin tapos basahin hanggang ngayon. :P
EPUB
Malaking tulong lalo na sa’kin na hindi mabubuhay kung walang mababasang fiction sa isang linggo. Nakakapagdownload ako at nakastore lang ang mga ito sa Ipod Touch ko. Hmm. Good life, ika nga. Pero minsan…hindi rin.
Nakakamiss rin yung may mahahawakan kang libro mismo, yung nararamdaman mo yung papel sa daliri mo habang nililipat sa ibang pahina yung libro. Okay rin naman yung maaamoy mo yung kakaibang amoy na di ko pa rin maipaliwanag hanggang ngayon pero sobrang nakaadik.
Okay rin yung uupo ka sa pinakakumportableng pwesto mo tapos magbabasa ka ng magbabasa. Masaya yun.
Sana dahil sa mga epub, hindi ko makalimutan kung ano ang pakiramdam na hawak ko sa mga kamay ko ang isang libro, ang escape ko sa mga bagay na magulo…









